unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

LIBRENG SERBISYO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, TAMPOK SA WOMEN’S MONTH CELEBRATION SA TALAVERA

Posted by philpiccio | Mar 12, 2026 | 0

LIBRENG SERBISYO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, TAMPOK SA WOMEN’S MONTH CELEBRATION SA TALAVERA

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, nagsagawa ng libreng serbisyo caravan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pakikipagtulungan sa Municipality of Talavera.

Tampok sa aktibidad ang libreng masahe, manicure at pedicure, at gupit na ginanap sa municipal hall upang direktang mapakinabangan ng mga residente.

Ayon kay Albert Mungcal, PMTCAC Manager, layunin ng programa na makatulong lalo na sa mga senior citizen, ina ng tahanan at mga mag-aaral sa pamamagitan ng serbisyong karaniwang nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso.

Isinusulong ang inisyatibang ito sa pangunguna ni Governor Aurelio “Oyie” M. Umali, katuwang ang iba pang opisyal ng lalawigan. Bukod sa libreng serbisyo, patuloy rin ang pagbibigay ng community-based training tulad ng hilot massage, nail care at iba pang kursong pangkabuhayan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng Talavera sa patuloy na suporta ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang bayan. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, higit na pinagtitibay ang adbokasiya ng gender equality at inclusive society sa lalawigan.

Share:

PreviousLIBRENG TAWAG PROGRAM, SAGOT NG GOBYERNO SA PANGANGAILANGAN NG OFWS SA MIDDLE EAST
NextEXCISE TAX SA LANGIS POSIBLENG SUSPINDIHIN!

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

5 grupong lumahok sa Sikad Novo Ecijano 2018,  layong paramihin pa ang bilang ng mga siklista

5 grupong lumahok sa Sikad Novo Ecijano 2018, layong paramihin pa ang bilang ng mga siklista

August 31, 2018

13 TEAMS NA MAGLALABAN LABAN PARA SA SA NECSL SEASON 5 NAG HARAP HARAP NA SA OPENING NG PALARO

13 TEAMS NA MAGLALABAN LABAN PARA SA SA NECSL SEASON 5 NAG HARAP HARAP NA SA OPENING NG PALARO

September 8, 2016

Motorsiklo, bumangga sa mobile patrol sa Pantabangan; Driver nag-amok sa NE Mall, arestado

Motorsiklo, bumangga sa mobile patrol sa Pantabangan; Driver nag-amok sa NE Mall, arestado

September 27, 2017

Bb. Nueva Ecija 2016 3rd runner-up, pambato ng Nueva Ecija sa Miss Millenial Philippines 2018

Bb. Nueva Ecija 2016 3rd runner-up, pambato ng Nueva Ecija sa Miss Millenial Philippines 2018

August 30, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .