unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

NAKALAWIT NA KABLE, MUNTIK IKAMATAY NG RIDER AT PASAHERO SA MAYNILA

Posted by philpiccio | Mar 15, 2026 | 0

NAKALAWIT NA KABLE, MUNTIK IKAMATAY NG RIDER AT PASAHERO SA MAYNILA

Isang nakalawit na kable sa kalsada ang muntik nang magdulot ng trahedya sa isang rider at pasahero sa bahagi ng UN Avenue sa Maynila.

Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni Dino Balasbas, pauwi na umano siya mula sa trabaho nang mangyari ang insidente.

Aniya, sumakay siya ng motorcycle ride-hailing service habang binabaybay ang UN Avenue malapit sa Mabini Street.

Habang umaandar ang motorsiklo, bigla umanong may humampas na kable sa kanilang helmet at leeg. Dahil dito, agad silang napatigil ilang metro mula sa pinangyarihan.

Natulala umano sila ng rider matapos ang insidente, mabuti at pareho silang nakasuot ng helmet at proteksyon sa leeg kaya hindi malala ang kanilang sugat.

Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng galos sa likod ng leeg habang ang rider naman ay nasugatan sa harap ng leeg.

Sa hinala ng biktima, maaaring nagmula ang nakalawit na kable sa mga overhead utility lines na nakasabit sa kalsada.

Posible rin umanong may naputol na linya na naiwan lamang na nakalaylay sa gitna ng daan.

Ayon sa kanya, kung hindi sila nakasuot ng helmet o kung nakataas ang visor nito, maaaring mas malubha ang naging pinsala.

Posibleng tumama ang kable sa kanilang mukha o mata, maaari ring masabit ang kanilang leeg sa kable habang umaandar ang motorsiklo.

Kung nangyari iyon, maaaring mahila ang kanilang ulo o mawalan sila ng kontrol sa sasakyan.

May posibilidad din umano na makuryente sila kung sakaling live wire ang tumama sa kanila.

NAKALAWIT NA KABLE NAGDUDULOT NG PANGANIB SA MGA RIDER

Dahil sa insidente, nagbigay ng paalala ang biktima sa mga kapwa motorista, lalo na sa mga gumagamit ng motorsiklo.

Aniya, mahalagang ibaba palagi ang visor o face shield ng helmet upang maiwasan ang malubhang pinsala.

Inamin niyang madalas niyang hindi ibinababa ang visor. Gayunman, sa araw na iyon ay nagkataong nakababa ang visor, na nagsilbing proteksyon sa kanya.

Kinabukasan, muli niyang dinaanan ang lugar malapit sa Padre Faura at Mabini. Doon ay napansin niya ang maraming magkakapatong na kable.

Hindi man ito umaabot sa mga sasakyan, ngunit posible pa rin itong maging panganib sa mga motorista.

Dahil dito, nanawagan siya sa mga kinauukulan na ayusin ang mga kable sa kalsada. Aniya, seryosong hazard ito sa mga nagmomotor.


Samantala, ibinahagi niya ang kanyang karanasan upang magsilbing babala, isang iglap lamang ang pagitan ng buhay at trahedya kaya mahalagang palaging mag-ingat.

Share:

PreviousSURPRISE DRUG TEST SA BATAAN, 15 GOV’T WORKERS, NAGPOSITIBO
NextMGA BANSANG APEKTADO SA PAGSASARA NG STRAIT OF HORMUZ, PINAKIKILOS

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

INA, NAGULANTANG: “PAPA JESUS”, KACHAT NG 6 NA TAONG GULANG NIYANG ANAK

INA, NAGULANTANG: “PAPA JESUS”, KACHAT NG 6 NA TAONG GULANG NIYANG ANAK

August 10, 2024

TRAVELLER’S FOOD HUB KAINAN NA BUS STOP, MAY PUSO SA MGA BYAHERO

TRAVELLER’S FOOD HUB KAINAN NA BUS STOP, MAY PUSO SA MGA BYAHERO

August 25, 2025

P5,000 fuel subsidy, Tulong sa Tricycle at Jeepney Drivers Simula Marso 17

P5,000 fuel subsidy, Tulong sa Tricycle at Jeepney Drivers Simula Marso 17

March 13, 2026

INANG KASAMBAHAY, LABANDERA, NAITAGUYOD ANG BUNSONG ANAK NA NAKATAPOS NG ELECTRICAL ENGINEERING

INANG KASAMBAHAY, LABANDERA, NAITAGUYOD ANG BUNSONG ANAK NA NAKATAPOS NG ELECTRICAL ENGINEERING

February 4, 2026

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .