Kinilala si Rolan Popatco Jr., na tubong Porac bilang kauna-unahang Aeta Medical Technologist sa buong lalawigan ng Pampanga.
Dahil sa kanyang pagsisikap, napatunayan niya na hindi hadlang ang pinagmulan sa pag-abot ng pangarap.
Siya ay nagtapos sa College of Our Lady of Mt. Carmel sa tulong ng lokal na pamahalaan.
Bilang isang scholar, malaki ang naitulong ng Educational Financial Assistance Program (EFAP) sa kanyang pag-aaral.
Bukod sa libreng tuition at dormitoryo, nakatanggap din siya ng P10,000 allowance kada semestre mula sa kapitolyo.
KAUNA-UNAHANG AETA MEDICAL TECHNOLOGIST, IPINAGMAMALAKI NG PAMPANGA
Layunin ng EFAP na bigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan sa pamamagitan ng abot-kaya at de-kalidad na edukasyon.
Dahil dito, mas nakapagtutok si Popatco sa kanyang pag-aaral nang hindi na inaalala ang mga gastusin sa kanyang eskwelahan.
Kaya ang tagumpay ng unang Aeta Medical Technologist ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga kabataang katutubo.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit isang libong Aeta scholars sa high school at kolehiyo sa buong probinsya ng Pampanga.
Hindi dito nagtatapos ang pangarap ni Popatco dahil nais pa niyang magpatuloy para maging isang ganap na doktor.
Nais aniyang maglingkod sa mga liblib na lugar upang makatulong sa kalusugan ng kanyang mga kapwa katutubo sa upland areas.

