ABOT-KAYANG PRIVATE RESORT: Patuloy na dinarayo ng mga pamilya at magkakaibigan sa Cabanatuan City ang Casa De Claro Private Resort and Events Place dahil sa malinis nitong pasilidad at abot-kayang venue para sa iba’t ibang pagtitipon.
Tampok sa resort ang hiwalay na kiddie at adult swimming pool na maaaring magamit ng mga bisita sa loob ng 10 oras na stay mula 9:00 AM hanggang 7:00 PM.
Mayroon din itong function hall, videoke, mga mesa at upuan, pati BBQ griller na maaaring gamitin sa mga salu-salo at selebrasyon.
Ayon kay Myla De Claro, may-ari ng Casa De Claro, Private Resort and Events Place, layunin nilang magbigay ng komportable at pribadong lugar para sa birthday parties, reunions, baptismal, at iba pang espesyal na okasyon.
Pinapayagan din ang mga kliyente na magdala ng sarili nilang catering provider dahil venue rental lamang ang inaalok ng resort.
Nagsisimula sa P4,000 ang rental rate para sa family gatherings na hanggang 30 katao tuwing weekdays.
Dahil sa kombinasyon ng maayos na pasilidad at praktikal na presyo, patuloy itong tinatangkilik ng mga naghahanap ng pribadong lugar para sa kanilang mga pagdiriwang.

