unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

LOCAL ENERGY CONSERVATION, IPINATUPAD SA LALAWIGAN NG BULACAN

Posted by philpiccio | Mar 26, 2026 | 0

LOCAL ENERGY CONSERVATION, IPINATUPAD SA LALAWIGAN NG BULACAN

Local energy conservation ang naging tugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa nararanasang krisis kaugnay sa kaguluhan sa Middle East.

Dahil sa gyera sa ibang bansa, mabilis na tumataas ang presyo ng petrolyo at kuryente sa buong mundo sa kasalukuyan.

Kasunod nito ay naglabas ng direktiba ang gobernador ng Bulacan upang masiguro na hindi maaapektuhan ang kanilang serbisyo sa mga Bulakenyo.

Alinsunod ito sa Memorandum Circular No. 114 mula sa MalacaƱang na nag-uutos sa lahat ng ahensya na magtipid sa kuryente at gasolina.

Bilang tugon, inilabas ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang Memorandum DRF – 0306026 – 111 o ang “Lokal na Pagpapatupad ng mga Hakbang sa Pagtitipid ng Enerhiya.”

Layunin ng hakbang na ito na bawasan ang “energy footprint” o ang sobrang pagkonsumo ng kuryente sa Pamahalaang Panlalawigan.

Bilang bahagi ng local power conservation, ipatutupad ang four-day onsite work arrangement para sa mga kawani ng Kapitolyo.

Target ng lalawigan na mapababa ng 10% hanggang 20% ang konsumo ng kuryente at gasolina sa bawat opisina.

Bukod dito, ang mga official travel vehicle ng gobyerno ay limitado na lamang sa mga mahahalagang serbisyo.

LOCAL ENERGY CONSERVATION, IPINATUPAD SA LALAWIGAN NG BULACAN

Gagamit din ng mga online at virtual meetings ang mga departamento upang hindi na kailangang bumiyahe nang malayo.

Bukod sa pagtitipid, makatutulong din ang alternatibong paraan ng transportasyon sa pagpasok sa trabaho araw-araw.

Hinihikayat din ang mga kawani na sumali sa “bike-to-work” initiative lalo na ang mga nakatira malapit sa Kapitolyo.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng kampanya para mabawasan ang polusyon at maitaguyod ang isang mas malusog na lifestyle.

Bukod sa pagtitipid, tiniyak ni Fernando na binabantayan din ang presyo ng mga bilihin sa buong lalawigan.

Nakikipagtulungan umano ang Kapitolyo sa Philippine National Police at Department of Trade and Industry upang masigurong walang mapagsamantalang negosyante sa gitna ng kritikal na sitwasyon.

Ayon sa gobernador, prayoridad nila na manatiling patas ang presyo ng pagkain, gasolina, at iba pang pangunahing serbisyo.

Naniniwala ang pamunuan na ang pagbabantay sa merkado ay kasinghalaga ng pagtitipid ng kuryente sa loob ng opisina.

Ayon kay Fernando, kahit maliit na hakbang ito, naniniwala siyang malaki ang ambag nito sa lalawigan at sa buong bansa.

Share:

PreviousSPIRITED AWAY: MAKASAYSAYANG TAGUMPAY NG ANIME SA ACADEMY AWARDS
NextANAK NAGPAKALBO, BILANG SUPORTA SA INANG MAY CANCER

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

MGA TAONG NABUBUHAY NA MAY HIV SA CENTRAL LUZON, INAASAHAN NG DOH NA LOLOBO SA BILANG NA HIGIT 29K

MGA TAONG NABUBUHAY NA MAY HIV SA CENTRAL LUZON, INAASAHAN NG DOH NA LOLOBO SA BILANG NA HIGIT 29K

June 13, 2025

BAYANIHAN SA MANKAYAN, BENGUET, BUHAY NA BUHAY

BAYANIHAN SA MANKAYAN, BENGUET, BUHAY NA BUHAY

January 14, 2026

HALOS 40,000 EKTARYANG SAKAHAN SA GITNANG LUZON, MAPAPATUBIGAN NA NG TALAVERA RIVER SIPHON

HALOS 40,000 EKTARYANG SAKAHAN SA GITNANG LUZON, MAPAPATUBIGAN NA NG TALAVERA RIVER SIPHON

February 4, 2026

MGA BUS NA BIYAHENG CUBAO, PASAY, BAGUIO AT BALER, BALIK OPERASYON NA

MGA BUS NA BIYAHENG CUBAO, PASAY, BAGUIO AT BALER, BALIK OPERASYON NA

May 24, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .