SUBSTANDARD COOKING OIL: Inaresto ng CIDG ang isang babae noong Abril 7, 2026 sa Brgy. San Jose, Paombong, Bulacan.
Isinagawa ang operasyon 9:30 PM sa pangunguna ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) at lokal na pulisya.
Nakumpiska sa suspek ang cooking oil, suka, at patis na may kabuuang halagang ₱698,660.00.
Kinilala siya sa alyas na “Merry” nasa hustong gulang. Nahuli siya habang nagbebenta at namamahagi ng mga produktong hindi rehistrado.
Ayon sa ulat na ipinarating kay CIDG Director PMGEN Robert AA Morico II, lumabag ang suspek sa umiiral na batas. Kabilang dito ang Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009. Nilabag din ang Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines.
BABAE, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ₱698K SUBSTANDARD COOKING OIL SA BULACAN
Ipinaliwanag ng CIDG na ipinagbabawal ang pagbebenta ng food products na walang rehistro mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Dahil ang mga produktong ito ay hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng FDA.
Kaya hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga ito para sa publiko.
Iginiit ng CIDG na ang pagbebenta ng substandard cooking oil ay paglabag sa food safety standards ng pamahalaan.

