BANTA NG FOOD CRISIS: Nagbabala si Sen. Bam Aquino sa banta ng food crisis sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa kanya, hirap na ang mga pamilyang Pilipino sa patuloy na pagmahal ng pangunahing bilihin.
Umaabot na kasi sa ₱150 kada litro ang diesel at ₱1,600 ang LPG.
Sa Senate hearing, binigyang-diin niya ang epekto ng Middle East tensions sa ekonomiya ng bansa.
Halos 60% ang itinaas ng presyo ng diesel sa loob ng isang buwan.
Pinaka-apektado ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante.
Apektado rin ang mga tsuper at manggagawang arawan na umaasa sa maliit na kita.
Nagbabala siya na tataas pa ang presyo ng pagkain sa Hulyo o Agosto.
Ito ay dahil sa mahal na krudo at abono na tumaas ng ₱800 kada sako.
Binatikos niya ang mabagal na aksyon ng gobyerno sa suspensyon ng fuel taxes.
Nanawagan siya ng agarang pagtanggal ng excise tax at VAT sa petrolyo.
Paliwanag niya, dapat kumilos agad upang maiwasan ang malawakang krisis sa gutom.

