5 ARESTADO SA DRUG: Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA-3) ang limang katao sa makeshift drug den raid sa Brgy. Marcos Village bandang 6:35 ng gabi noong Abril 12, 2026.
Isinagawa ang buy-bust operation sa pakikipagtulungan ng PDEA Provincial Offices sa Tarlac at Pampanga, katuwang ang Mabalacat City Police Station.
Kinilala ang mga suspek na sina alias Gino (28), na umano’y tagapamahala ng drug den; alias Ron (27); alias Don-Don (24); alias Cely (41); at alias Rey (52).
5 ARESTADO SA DRUG DEN RAID SA PAMPANGA,
Nakumpiska sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang pitong gramo at may tinatayang halaga na ₱47,600. Nakuha rin ang iba’t ibang drug paraphernalia, isang cellphone, at ang buy-bust money.
Pansamantalang ikinulong ang mga suspek sa PDEA-3 detention facility sa City of San Fernando, Pampanga habang isinasailalim sa forensic examination ang mga nakuhang ebidensya.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

