TAGUAN NG MGA ARMAS: Natuklasan umano ng pulisya ang arms cache sa Pantabangan, Nueva Ecija, matapos ang impormasyon mula sa rebel returnee.
Isinagawa ng NEPPO ang operasyon sa bulubunduking lugar ng Barangay Cambitala bandang hapon ng Abril 13, 2026.
Base sa report ng kapulisan, narekober ang granada, iba’t ibang bala, magazines, at iba pang kagamitang may kaugnayan sa armas.
TAGUAN NG MGA ARMAS, NATAGPUAN SA PANTABANGAN NUEVA ECIJA DAHIL SA TIP NG REBEL RETURNEE
Kinilala ang nagbalik loob sa pamahalaan na dating rebelde na si “Ka Jerry” na nagbigay umano ng mahalagang detalye tungkol sa pinagtataguan ng armas.
Pinangasiwaan ng EOD unit ang ligtas na paghawak at disposal ng mga nakuhang pampasabog at ammunition.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan at posibleng koneksyon ng mga armas sa ibang grupo.

