Former Rebel Summit 2026 ang matagumpay na isinagawa sa AMCO Beach Resort, Brgy. Sabang, Baler, Aurora nitong linggo.
Dinaluhan ito ng mga dating rebelde mula sa Aurora at Nueva Ecija para sa kanilang maayos na pagbabalik-loob sa lipunan.
Sa ilalim ng temang “Strengthening Reintegration and Resilience,” nagkaisa ang mga government agencies at stakeholders para sa mga programa.
Layunin ng aktibidad na ito na maghatid ng mga livelihood opportunities at social services para sa mga dating rebelde.
Pinangunahan ng 91st Infantry Battalion at 703rd Infantry Brigade ang naturang programa.
Ang Former Rebel Summit 2026 ay bahagi ng whole-of-nation approach ng Philippine Army para matugunan ang problema ng insurgency.
Bukod sa security operations, prayoridad din ng naturang programa ang social healing, economic empowerment, at ang pagbabago ng komunidad.
Sa loob ng dalawang araw, sumailalim ang mga participants sa training at diskusyon tungkol sa trabaho at basic services.
Tinalakay din ang psychosocial at family support para matulungan ang mga dating rebelde na maging advocates ng kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
Kinilala rin sa Formel Rebel Summit 2026 ang lakas ng loob ng mga dating rebelde na pinili ang landas ng kapayapaan.
Naniniwala ang pamunuan ng 703rd Infantry Brigade na ang mga dating rebelde ay mahalagang partners sa pagbuo ng ligtas na komunidad.
Patuloy umanong gagawin ng Philippine Army ang kanilang mandato na protektahan ang lupa at ang mga tao para sa kapayapaan.
Boost this post to get more reach for Nueva Ecija TV48.

