unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT, PLANONG MULING BUHAYIN

Posted by philpiccio | Apr 23, 2026 | 0

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT, PLANONG MULING BUHAYIN

Bataan Nuclear Power Plant ang nakikitang isa sa sagot ng pamahalaan upang labanan ang lumalalang krisis sa presyo ng langis sa buong mundo.

Bagama’t natapos ang konstruksyon nito noong 1984, hindi ito nagamit kailanman dahil sa mga isyung politikal at pangamba sa kaligtasan.

Ang revival ng Bataan Nuclear Power Plant ay isinusulong ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco dahil sa potensyal nitong magbigay ng murang kuryente.

Ayon sa mambabatas, mas mabilis ang rehabilitasyon nito na aabutin lamang ng apat hanggang limang taon kumpara sa pagpapatayo ng bagong nuclear plant.

Matatandaan na noong 2025, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act 12305 o Philippine National Nuclear Energy Safety Act upang bumuo ng isang independent regulatory body.

Layunin ng batas na ito na tiyaking ligtas at maayos ang magiging operasyon ng bansa sa paggamit ng nuclear energy.

Samantala, target ng gobyerno na makakuha ng 1,200 megawatts ng enerhiya mula sa nuclear pagsapit ng taong 2032 sa ilalim ng Philippine Energy Plan.

Plano rin nilang palakihin ang suplay na ito hanggang 4,800 megawatts pagdating ng 2040 upang matugunan ang lumalagong pangangailangan.

Sinabi naman ni Department of Energy Secretary Sharon Garin na magsisimula na ang pagtanggap ng mga nuclear proposal ngayong taong 2026.

Ang hakbang na ito ay gagawin upang masiguro na magiging matatag at hindi na aasa ang bansa sa imported na krudo.

Share:

PreviousBASEBALL SA PILIPINAS, MULING PASISIGLAHIN NG PSC
NextMULA KURIOSIDAD TUNGO SA ADVOKASIYA: MGA KABATAAN, NAENGGANYONG TUMAHAK SA MAKABAGONG AGRIKULTURA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

FREEDOM MARCH 2026: SAMA-SAMANG HAKBANG SA PAGGUNITA NG KABAYANIHAN

FREEDOM MARCH 2026: SAMA-SAMANG HAKBANG SA PAGGUNITA NG KABAYANIHAN

January 31, 2026

BAYANIHAN SA MANKAYAN, BENGUET, BUHAY NA BUHAY

BAYANIHAN SA MANKAYAN, BENGUET, BUHAY NA BUHAY

January 14, 2026

IKA-117 NA ANIBERSARYO NG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY, MATAGUMPAY NA IDINAOS

IKA-117 NA ANIBERSARYO NG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY, MATAGUMPAY NA IDINAOS

April 20, 2024

PANGALAN NG PRMSU O PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE-U, MANANATILI

PANGALAN NG PRMSU O PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE-U, MANANATILI

March 20, 2026

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .