World Travel Awards 2026 ang kumikilala ngayon sa dalawang pangunahing destinasyon mula sa Central Luzon bilang mga opisyal na nominado.
Sa ilalim ng kategoryang Asia’s Leading Meetings and Conference Destination, ang Clark Freeport Zone ay kinikilala bilang top venue para sa malalaking event.
Samantala, pasok din ang Subic Bay sa Asia’s Responsible Tourism Award dahil sa kanilang mahusay na mga eco-friendly travel initiatives.
Ang World Travel Awards 2026 ang magpapatunay na ang Clark at Subic ay mga world-class na destinasyon para sa lahat ng turista.
Matatagpuan sa Clark ang Aqua Planet at Clark Safari na madalas bisitahin dahil sa kanilang modernong imprastraktura at magandang lokasyon.
Dahil sa mga world-class na hotel at convention centers sa Clark, naging paboritong venue ito para sa malalaking event.
Habang ang Subic naman ay tanyag sa Zoobic Safari at Ocean Adventure na nag-aalok ng mga nature-driven experiences.
Bukod pa rito, ang Subic din ay patuloy na pinahahalagahan ang “responsible tourism” sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga yamang-dagat.
Sa kasalukuyan, tumatanggap ang World Travel Awards 2026 ng mga boto mula sa publiko.
Maaaring i-scan ang mga QR code at gumawa ng account sa World Travel Awards website upang makaboto at suportahan ang mga nominado hindi lamang sa Central Luzon kundi maging sa buong bansa.
Ayon sa official calendar ng website, ang botohan para sa rehiyon ng Asya ay magtatapos sa July 17, 2026, United Kingdom time.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa botohan upang mas mapalakas pa ang turismo ng Central Luzon sa global stage.

