Labor Day Job Fair — Dumagsa ang mahigit 1,000 job seekers sa ginanap na Labor Day Job Fair sa SM City Cabanatuan, bilang bahagi ng nationwide initiative ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Layunin ng programa na paglapitin ang mga naghahanap ng trabaho at mga employer upang mapabilis ang proseso ng hiring.
Umabot sa 26 na local employment agencies/establishment at isang overseas employment agency ang lumahok, na nag-alok ng iba’t ibang oportunidad sa trabaho.
Ayon kay Maria Luisa R. Pangilinan, Provincial PESO Manager, inaasahan ang mataas na bilang ng hired on the spot batay sa naging daloy ng aplikasyon at panayam. Dagdag pa ni Pangilinan na kapag ang Provincial Government at PESO ang nag conduct ay hindi aniya mamamali at hindi mapupunta sa illegal recruitment.
Bukod sa job matching, nagbigay rin ng iba’t ibang serbisyo ang mga ahensya ng pamahalaan upang matulungan ang mga aplikante sa kanilang requirements.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Vice Governor Gil Raymond “Kuya Lemon” M. Umali at Provincial Administrator, Atty. Jose Maria Ceasar C. San Pedro bilang suporta sa programa.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko na samantalahin ang mga ganitong inisyatibo upang makamit ang mas matatag na kabuhayan.

