Kapampangan-made altar ang opisyal na enshrine ngayon sa St. Rose Philippine Duchesne Parish sa Estados Unidos.
Ang installation na ito ay itinuturing na isang milestone dahil ito ang unang pagkakataon na may kapampangan-made altar sa nasabing bansa.
Dahil dito, ang parokya na ang may hawak ng pinakamalaking collection ng contemporary Kapampangan liturgical sculptures sa Amerika.
Kasama sa mga inilagay ay ang main retablo, daily altar, at isang adoration chapel para sa mga deboto at parokyano.
Ang mga nasabing artworks ay dinesenyo at ginawa sa Betis District sa Guagua, Pampanga, na kilala sa kanilang wood carving tradition.
Si Willy Layug, isang Presidential Merit Awardee for Ecclesiastical Art, ang sikat na sculptor na gumawa ng mga obrang ito.
Maliban sa proyektong ito sa U.S., kilala rin si Layug sa paggawa ng imahe ng Our Lady of Palo.
Ang nasabing imahe ay ginamit ni Pope Francis noong nagkaroon ng Holy Mass sa Tacloban ilang taon na ang nakalipas.
Samantala, ang installation na ito ay hindi lang nakakaganda sa sacred spaces ng nasabing parokya.
Bukod sa aspetong ispiritwal, naitatampok din nito ang talento ng mga Kapampangan craftsmen sa ibang bansa.
Para sa mga Pilipino sa Amerika, ang altar na ito ay magsisilbing cultural at spiritual link sa kanilang pinagmulang bansa.

