Venazir Martinez ang pangalang nagdala ng malaking karangalan sa lalawigan ng Tarlac at sa buong Pilipinas kamakailan.
Ang Filipina muralist na ito ay kinilala at nagwagi sa prestihiyosong National Mural Awards sa United States.
Nakuha niya ang National Bronze Award para sa kanyang mural masterpiece na pinamagatang “Between Memory and Bloom”.
Bukod dito, nasungkit din niya ang Regional Gold Award bilang kinatawan ng Foster City.
Si Martinez ay isang proud alumna ng Tarlac State University Laboratory School Batch 2016.
Sa kasalukuyan, kilala siya bilang isang world-class muralist at visual anthropreneur sa buong mundo.
Ang Sining ni Venazir Martinez
Bilang visual anthropreneur, kilala si Martinez sa pagbibigay-diin sa koneksyon ng community, culture, at tradition.
Kaya naman, unti-unti siyang nakilala sa ibang bansa at naging bahagi ng iba’t-ibang mural projects.
Kabilang sa mga bansa at lugar na kanyang napuntahan ay ang Michigan, Pennsylvania, Louisiana, at Virginia.
Naging bahagi rin siya ng Hemispheric Conversations Urban Art Project sa lungsod ng Pittsburgh.
Tagumpay sa Internasyonal na Sining
Bukod sa kanyang mga bagong parangal, nakatanggap na rin siya ng iba pang prestihiyosong pagkilala noon.
Kabilang dito ang The Outstanding Young Men o TOYM Award para sa Arts at Culture noong 2024.
Noong taong 2025 naman ay pinalad siyang makuha ang Dream Big Award mula sa National Mural Awards.
Sa pamamagitan ng bawat mural na kanyang nililikha, patuloy niyang pinatutunayan ang galing ng mga Tarlaqueño at Pilipino pagdating sa sining.

