unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

AFTER HOURS, KUIDAORE RAMENBA: MGA PATOK NA FOOD SPOTS SA TALAVERA

Posted by philpiccio | May 25, 2026 | 0

AFTER HOURS, KUIDAORE RAMENBA: MGA PATOK NA FOOD SPOTS SA TALAVERA

Isa ang Talavera sa mga bayan na patuloy na umuunlad pagdating sa komersiyo at negosyo. Sa paglipas ng panahon, unti-unti itong naging sentro ng iba’t ibang uri ng kabuhayan.

Ako si Angel, at ngayong araw ay sisilipin natin ang kwento sa likod ng dalawang matagumpay na negosyo sa Talavera.

Sa kasalukuyan, narito tayo sa Talavera branch ng Kuidaore Ramenba, isang Japanese restaurant na patok sa mga gustong makatikim ng Japanese cuisine sa murang halaga.

Ngayong araw ay aalamin natin ang inspirasyon at dedikasyon ng taong nasa likod ng After Hours at Kuidaore Ramenba – si Vincent Sudaria.

Si Vincent ay kinikilala bilang isa sa mga negosyanteng may malinaw na bisyon sa industriya ng pagkain sa bayan. Siya ang utak sa likod ng dalawang kilalang kainan:

AFTER HOURS AT KUIDAORE RAMENBA

After Hours, isang coffee shop na matatagpuan sa Pulong San Miguel, at ang Kuidaore Ramenba na matatagpuan naman sa Esguerra. Sa pamamagitan ng kanyang mga negosyo, ipinapakita niya kung paano pagsamahin ang kalidad, kakaibang konsepto, at mahusay na serbisyo upang makuha ang tiwala ng mga mamimili.

Sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Talavera, inaasahan na mas marami pang negosyong tulad nito ang magbibigay inspirasyon sa mga susunod na negosyante. Para sa mga naghahanap ng kakaibang karanasan sa pagkain—mula sa masarap na kape hanggang sa abot-kayang Japanese cuisine—bukas ang pintuan ng After Hours at Kuidaore Ramenba para sa inyo.

Muli, ako si Angel, at ito ang kwento ng dalawang negosyo na patuloy na nagbibigay kulay sa lumalago at masiglang komunidad ng Talavera.

Share:

PreviousPHP2.2 MILYONG PEKENG SIGARILYO NASABAT SA TARLAC MATAPOS MAHULI SA AKSIDENTE SA KALSADA
NextREPORMA SA EDUKASYON, TULOY; SEN. AQUINO, SUPORTADO SI SEN LEGARDA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

GYM NG LAZARO FRANCISCO INTEGRATED SCHOOL, MULING PINAGANDA

GYM NG LAZARO FRANCISCO INTEGRATED SCHOOL, MULING PINAGANDA

May 25, 2023

DAANG LIBONG HALAGA NG OPERASYON, LIBRENG NAIPAGKALOOB SA MGA NOVO ECIJANO

DAANG LIBONG HALAGA NG OPERASYON, LIBRENG NAIPAGKALOOB SA MGA NOVO ECIJANO

May 6, 2026

Mga estudyante, magulang at pulis ,nakiisa sa Brigada Eskwela sa SJNHS

Mga estudyante, magulang at pulis ,nakiisa sa Brigada Eskwela sa SJNHS

May 22, 2019

High tech J and E Rice Mill, matatagpuan sa Bayan ng Cabiao

High tech J and E Rice Mill, matatagpuan sa Bayan ng Cabiao

November 30, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .