Mahigit P50,000 halaga ng pekeng sigarilyo ang isinuko at nakumpiska ng pulisya sa Nueva Ecija.
Ito ay bunga ng pinaigting na kampanya ng Nueva Ecija Police Provincial Office laban sa mga ilegal na produktong tabako.
Isinagawa ang mga operasyon noong May 21, 2026, sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.
Ang magkakahiwalay na operasyon ay ginawa ng mga himpilan ng pulisya sa Carranglan, San Isidro, Aliaga, Guimba, at Nampicuan.
Dahil sa mga operasyong ito, naisuko at nakumpiska ang iba’t ibang uri ng pekeng sigarilyo.
Umabot sa kabuuang P50,655.00 ang halaga ng mga nakuhang kontrabandong sigarilyo.
Patuloy naman ang kampanya ng pulisya upang sugpuin ang bentahan at distribusyon ng mga pekeng produkto sa lalawigan.

