Madalas nakikita sa 500-peso bill ang Visayan Spotted Deer, ngunit kilala mo na ba nang labis ito?
Ang Visayan spotted deer ay isang maliit at mahiyain na usa na matatagpuan lamang sa ilang isla sa gitnang bahagi ng Pilipinas.
Mayroon itong maitim na kayumangging balahibo na may mapuputlang batik, na tumutulong upang makapagtago ito sa mga anino ng kagubatan.
Alam mo ba na isa sa mga kakaibang katangian ng mga usang ito ay ang kanilang maliliit na preorbital glands.
Ayon sa Edinburgh Zoo, ito ay maliliit na butas sa harap ng kanilang mga mata na naglalabas ng natatanging amoy na ginagamit nila upang markahan ang kanilang teritoryo.
Nakakatulong din ito sa paghahanap ng pagkain, pananatiling ligtas, at pakikipag-ugnayan sa kapwa usa sa loob ng masukal na kagubatan.

