Pinalawak ng Department of Agriculture (DA) ang RCEF Seed Program o ang pamamahagi ng libre at de-kalidad na certified inbred rice seeds sa Central Luzon.
Target ng administrasyon na maabot ang nasa 134,000 na mga lokal na magsasaka ngayong wet season ng taong 2026.
Ayon sa ulat ng DA, umabot na sa 85 percent ang accomplishment rate ng pamamahagi ng binhi nitong June 2026.
Matagumpay na naipamigay ang 65 percent ng kabuuang seed allocation sa mga benepisyaryo noong Mayo.
Noong nakaraang 2025 wet season, nakapagpamahagi ang programa ng 449,000 na sako ng binhi sa 131,000 na magsasaka.
DE-KALIDAD NA BINHI, IPINAPAMAHAGI SA RCEF SEED PROGRAM
Ang mga ipinapamahaging binhi ay mga de-kalidad na varieties na magpapataas sa ani ng mga magsasaka, at angkop sa klima ng bansa.
Ipinapamahagi ang uri ng binhi batay sa kondisyon ng lupa tulad ng irrigated at rainfed.
Mayroon ding mga angkop na binhi para sa upland at saline-prone o mga maalat na lupain sa rehiyon.
Tinitiyak ng istratehiyang ito na maging matibay ang mga pananim laban sa iba’t-ibang kondisyon ng panahon.
MAS MATAAS NA ANI AT KITA PARA SA MAGSASAKA, HATID NG RCEF SEED PROGRAM
Ang paggamit ng certified inbred seeds ay maaaring magpataas ng kabuuang ani ng mga magsasaka hanggang 10 percent.
Mayroon din itong mataas na germination rate, varietal purity, at malakas na resistance sa mga peste at sakit.
Dahil maganda ang kalidad ng butil, mas magiging mataas din ang market value nito kapag ibinenta sa merkado.
FOOD SECURITY, LAYUNIN RCEF SEED PROGRAM
Ang programang ito ay alinsunod sa kautusan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang food security.
Layunin nitong itaas ang kita ng mga magsasaka at tiyakin ang stable na supply ng abot-kayang bigas.

