In case you didn’t know, ang dulas ng okra—na madalas nating kinakain sa pinakbet—ay pwede palang gamiting panglinis ng karagatan?

Ayon sa 2025 study sa journal na ACS Omega, kayang mag-alis ng dulas ng okra ng hanggang 80% ng microplastics sa tubig-dagat.

Ibinabad at pinatuyo ng mga scientist ang dulas nito para maging powder.

Kapag inihalo ito sa tubig, gumagana ito na parang magnet.

Dumidikit ito sa maliliit na plastic, kaya nagbubuo-buo ang mga ito at lumulubog sa ilalim para mas madaling salain.

Kumpara sa mga kemikal sa water treatment na pwedeng mag-iwan ng lason, mas epektibo at 100% natural na solusyon ang okra sa plastic pollution.