Ligtas na dumating sa Atlanta, Georgia, United States ang dalawang giant pandas mula sa China.

Dahil sa historic loan agreement, muling nabigyang-buhay ang Zoo Atlanta matapos magpaalam ang huling mga oso nito noong taong 2024.

Ang dalawang giant pandas na sina Ping Ping at Fu Shuang ay nakatakdang manirahan sa Atlanta sa loob ng sampung taon.

Sila ay ibinyahe sakay ng isang FedEx Panda Express cargo plane mula sa lungsod ng Chengdu, China.

Ang mga naturang pandas ay kapwa isinilang noong 2020 sa isang sikat na breeding center, at madaling kilalanin ang dalawang oso dahil sa kanilang natatanging katangian.

Samantala, ang Atlanta ay isa na sa tatlong lungsod lamang sa buong Amerika na may pandas.

Inilarawan ni China President Xi Jinping ang lending program na ito bilang simbolo ng lumalalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Gayunpaman, ang pagdating ng pandas ang pangunahing magandang bunga ng summit sa kabila ng patuloy na mga usaping pampulitika.

Matagal nang ginagamit ng China ang panda diplomacy upang maghatid ng goodwill at magpatatag ng ugnayan sa ibang bansa.