Nadakip sa Occidental Mindoro ang isang 56-anyos na lalaki na kabilang sa mga Most Wanted Person ng Rizal, Nueva Ecija.
Isinagawa ang operasyon bandang alas-12:50 ng madaling-araw noong Setyembre 30 sa Barangay Payompon.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest mula sa San Jose City Regional Trial Court.
WANTED PERSON NA MAY 2 KASO NG R@PE SA NUEVA ECIJA, MAY INIREKOMENDANG PIYANSA
Nahaharap siya sa dalawang bilang ng panggagahasa sa pamamagitan ng sexual assault, kaugnay ng Republic Act 7610. May inirekomendang piyansang Php200,000 para sa bawat kaso.
Ang suspek ay Number 6 sa Provincial Level at Number 4 sa Municipal Level Most Wanted Person ng Rizal Police.
Pinangunahan ng Rizal Municipal Police Station ang operasyon, katuwang ang mga pulis mula MIMAROPA at PRO 4A.
Pinuri ni Police Colonel Ritchie Claravall, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang magkasanib na operasyon.
Ayon sa kanya, mahalaga ang tuloy-tuloy na manhunt at koordinasyon upang mahuli ang mga wanted person.

