Jeric livelihood program ang naging tampok online matapos mamahagi ang isang guro ng mga alagang hayop at iba pang pangangailangan sa kanyang mga estudyante.

Si Teacher Jeric, Teacher III mula sa Barangay Bag-ong Anonang, Bonifacio, Misamis Occidental, ay nagsasagawa ng livelihood program para sa kanyang mga mag-aaral.

Layunin nitong makatulong sa kanilang mga pamilya habang sinusuportahan ang pag-aaral ng mga bata.

Sa isang pamilyang kanyang binisita, isang batang kalabaw ang kanyang ipinagkaloob.

Ang alagang hayop ay inilaan para sa pag-aaral ng kanilang anak hanggang kolehiyo.

Samantala, baka naman ang natanggap ng ilan pang pamilya ng kanyang mga estudyante.

Bukod dito, mayroon ding mga baboy at manok na ipinamahagi sa ibang benepisyaryo.

Kasama rin sa ilang handog ang isang kaban ng feeds para sa mga alagang hayop.

Hindi lamang hayop ang ipinamahagi ng guro sa kanyang mga estudyante.

May ilang pamilya ring nakatanggap ng groceries at pangangailangan para sa kanilang bagong silang na anak.

Karamihan sa mga tahanan ng kanyang benepisyaryo ay gawa sa light materials. May ilang bahay ding gawa sa trapal at kahoy.

Mayroon ding mga tahanang hindi maayos ang mga pintuan at bintana. Dahil dito, naging bahagi rin ng programa ang pagtulong sa iba pang pangangailangan ng mga pamilya.

Kilala si Teacher Jeric sa kanyang mga content tungkol sa paghahanda ng pagkain at gamit para sa mga estudyante.

Naglalaan din siya ng tulong para sa kanyang mga kapwa guro sa paaralan.

Samantala, umabot na sa 6.5 milyon ang views ng isa sa kanyang mga video.

Nakakuha rin ito ng mahigit 260,000 reactions, 10,000 shares at 8,000 comments.

Marami sa mga komento ang nagpahayag ng paghanga at suporta sa kanyang ginagawa.

May ilan ding humiling na patuloy siyang pagpalain upang mas marami pa siyang matulungan.

Kabilang sa mga komento ang papuri sa pagbibigay niya ng pangkabuhayang regalo sa mga pamilya.

Nagpasalamat naman si Teacher Jeric sa mga taong naging bahagi ng kanyang advocacy.

Kabilang sa kanyang binanggit na monthly sponsors sina Doc Carl E. Balita, Goodlife Community Cares Foundation Inc., at Call Match Pilipinas.