Babala! Sensitibong Balita:
Isang provincial-level most wanted person sa Cavite ang naaresto sa Barangay Sinipit, Cabiao, Nueva Ecija noong Oktubre 30, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jomar,” 33-anyos at nagtatrabaho bilang electrician.
MOST WANTED SA CARNAPPING, TIMBOG SA CABIAO
Batay sa ulat ng pulisya, kabilang ang suspek sa Top 4 Provincial-Level Most Wanted Persons ng Cavite.
Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
May kinahaharap din siyang warrant of arrest na inilabas noong January 16, 2026.
Ito ay mula sa Regional Trial Court Branch 15 sa Naic, Cavite, na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Dakong alas-onse kwarentay singko ng umaga nang maisagawa ang pag-aresto.
Pinagsanib-puwersa rito ang mga operatiba mula sa Peñaranda Municipal Police Station, Nueva Ecija Police Provincial Office, Naic Municipal Police Station at CIDG Northern Leyte Provincial Field Unit.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa Naic Municipal Police Station sa Cavite.
Doon isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at proseso para sa disposisyon ng korte.

