Umaaray ngayon ang mga tricycle drivers sa Cabanatuan City dahil lumiit na umano ang kanilang kinikita dahil sa panghaharang sa kanila ng mga pulis, legalization officers, at traffic enforcers na pumasok at mamasada sa bisinidad ng public market.
Bukod sa palaisipan na nga kung sino ang nag-utos sa mga otoridad, malabo rin umano ang dahilan kung bakit sila binabawalan na pumasok at mamik-up ng pasahero sa loob ng palengke.
Ayos lang naman daw na linisin ang palengke pero sana naman ay ayusin ang patakarang pinaiiral at maging patas sa lahat ang kinauukulan.
Maging ang mga tindera ng palengke ay apektado rin ang hanap-buhay dahil sa pagbabawal ng pagpasok ng tricycle.
Ayon kaya aling Lanie, kung dati ay kaya niyang kumita ng hanggang mahigit tatlong libo isang araw, ngayon, simula ng harangin ang mga tricycle na pumasok sa palengke, bumagsak sa isanlibo hanggang walong daang piso na lang ang kanyang kita.
Hati naman ang opinyon ng mga mamimili, merong mga pabor at mayroon din namang kumukontra sa pagbabawal ng pagpapapasok ng tricycle sa palengke.- Ulat ni Clariza De Guzman


Sa totoo lng pom nokahirap tlgang ndi papasukin ang mga tricycle sa palengke,, tpos todo vip cla sa mga nka 4 wheels na pumapasok don. Lalo na ang mga traffic enforcer na cla Cayanga at Angeles,, babae po kmi, ndi nmin alm na bawala pumasok ang tricycle, minura na kmi at binalya pa ang kptd ko, babae dn kptd ko, at sinira pa nya motor nmin,, zna mpatalsik,, walang galang sa mga kababaihan.