ABOT-KAYANG LECHON: Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na nakaaapekto sa maliliit na negosyo, nananatiling abot-kayang letchon at dinadayo ng masa ang mga ihaw-ihaw at lechon ng Iya’s Lechon House sa Cabanatuan City.
Kung naghahanap ng mura ngunit masarap na pagkain, dinarayo ang Iya’s Lechon House sa Barangay Bantug Norte, Cabanatuan City.
Ayon kay John Paul Macasaya, manager ng tindahan, patok sa kanilang mga mamimili ang iba’t ibang putahe gaya ng lechon manok, lechon liempo, sisig, at samu’t saring ihaw-ihaw na swak bilang ulam, meryenda, at pulutan.
Mabibili ang mga katakam-takam na inihaw na pagkain gaya ng :
Lechon Manok – P280
Lechon Liempo – P230
Chicken Sisig – P300
Pork Sisig – P240
Chicken Barbecue – P80
Pork Barbecue – P25
Balingit – P25
Atay – P25
Ulo – P25
Paa (Adidas) – P20
Dugo (Betamax) – P5
Isaw – P5
Dagdag pa ni Macasaya, kabilang sa kanilang best seller ang lechon manok at chicken barbecue, na patuloy na tinatangkilik ng kanilang mga suki.
Sa pamamagitan ng mabilisang bentahan at direktang serbisyo, napapanatili nilang abot-kaya ang kanilang mga produkto para sa masa.

