ADD TO CART SYSTEM, MAGAGAMIT NA SA PAGBILI NG SUPPLIES AND EQUIPMENT NG GOBYERNO

Opisyal nang inilunsad ang PS-DBM PhilGEPS eMarketplace na pinangunahan ni Department of Budget and Manangement Secretary Amenah Pangandaman, sa ginanap na groundbreaking ng digital flatform na ito noong Disyembre 13, 2024 sa PICC, Pasay City.

Ito ay hakbang sa modernisasyon ng government procurement na isa sa pangunahing proyekto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Sec. Pangandaman, sa pamamagitang ng eMarketplace, ang lahat ng government agencies at procuring entities ay direkta nang makakabili ng kanilang common-use supplies and equipment sa pamamagitan ng add to cart system mula sa mapagkakatiwalaang suppliers.

Sa pamamagitan ng digital services na inilunsad ay mapapaikli na sa 60 days ang procurement process na dating inaabot ng tatlong buwan.

Idinisenyo ang eMarketplace upang makapagbigay din ng oportunidad sa MSME’s, social enterprises at women-led businesses na makalahok sa mga government procurement sa pamamagitan ng pagpapasimple ng registration at bidding process.

July 2024 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at isinabatas ang New Government Procurement Act na nagbibigay daan upang mas maging transparent at episyente ang operasyon ng gobyerno.

Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan patungo sa digital transformation, isa na rito ang paglulunsad ng eMarketplace na maikokonsidera na isa sa maraming hakbang ng pamahalaan patungo sa “Bagong Pilipinas” kung saan ang paghahatid ng pagseserbisyo publiko ay nakaakibat sa efficiency, transparency and sustainability.