AEROX CLUB PHILIPPINES PAMPANGA, AURORA, NUEVA ECIJA, SANIB-PWERSA SA TREE PLANTING

Nagsanib pwersa ang mga riders ng Aerox Club Philippines Pampanga, Aurora at Nueva Ecija sa isinagawang tree planting activity sa Digmala Creek Brgy. Pantoc, Gabaldon, Nueva Ecija noong Hunyo 8, 2024.

Pinangunahan ito ni Aerox Club Philippines President Founder John Paul Constantino mula Manila kasama ang iba pang mga official at mga miyembro ng nasabing samahan ng mga riders.

Nagtanim ang grupo ng halos 300 na mga puno sa tulong ng LGU ng bayan ng Gabaldon sa pamamagitan ng Municipal Environment Natural Resources Office na nagpapasalamat dahil pangalawang pagkakataon na sa kanilang bayan nagsagawa ng tree planting ang ACP na malaking tulong para sa kalikasan at mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagsagawa rin ng Tree planting ang Aerox Club kasama ang NEPCI sa lugar na pinagtaniman nila ngayon. Ikinatuwa ng grupo na ang mga dating itinamin nila ay marami ang mga nabuhay at malalaki na ngayon.

Inaasahan din nila na sa mga susunod pang mga taon ay mas maraming puno pa ang maitatanim at mapalago para mapangalagaan ang kabundukan ng Gabaldon.

Ayon sa Founder na si JCON sa ngayon ay nasa labing limang libong active member na ang Yamaha Aerox. Ang ganitong mga activities gaya ng mga tree planting ay kailangan para sa reforestation dahil sa ganitong maliit na kaparaanan ay malaking tulong ito para sa kalikasan.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Looney Fernando Pangulo ng Aerox Club Nueva Ecija kay Governor Oyie Umali sa walang sawang suporta sa lahat ng mga aktibidad ng grupo gaya ng palaging pinadadalang Mobile kucina na nag silbing breakfast ng mga riders na nagmula pa sa ibat ibang lalawigan ng Central Luzon.

Maliban sa tree planting ay marami pang mga aktibidad ang Yamaha Mio Aerox Club Phils. lalo na sa mission nito na maipalaganap ang safety ng bawat riders sa pamamagitang ng seminar at tranining, makatulong sa kapwa, gaya ng blood donation, gift giving at medical mission.