Patuloy na tinatangkilik ng mga mamimili ang Afforda-bowls dahil sa kanilang abot-kayang presyo at masasarap na putahe. At, sa murang halaga, mayroon ka ng masarap na Java Rice with mas pinasarap na ulam.
Kabilang sa mga best seller ng food stall ang Pork Sisig, Buffalo Chicken, at Chicken Inasal na paborito ng maraming kostumer. Available rin ang kanilang 39’ners na kinabibilangan ng tofu square, tokwa’t baboy, isaw sisig, burger steak, chicken sausage, lumpiang shanghai, at meat balls.
Para naman sa mas busog na servings, iniaalok ang 49’ners tulad ng chicharon bulaklak at fried chicken. Sa halagang P59, maaaring tikman ang Pork Sisig, Lechon Kawali, Pork Adobo, at Buffalo Chicken.
Samantala, ang Chicken Inasal na kilala sa linamnam at lasa ay mabibili sa halagang P69. Dahil sa lawak ng pagpipilian at presyong swak sa bulsa, patuloy na nagiging paboritong kainan ang Afforda-Bowls lalo na ng mga estudyante at manggagawa sa lungsod.
Ayon kay Architect Mark Hernandez, may-ari ng Afforda-Bowls, pangunahing target ng kanilang negosyo ang mga estudyante at manggagawa kaya sinisiguro nilang abot-kaya ang presyo ng kanilang pagkain.
Matatagpuan ang Afforda-bowl, malapit sa Araullo University, sa Yakal 2, Bitas, Cabanatuan City, at tapat mismo ng Metrobank, kaya madali itong mapuntahan ng mga mamimili. Bukas ang kanilang pwesto mula 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, na akma sa iskedyul ng mga estudyante at manggagawa.
Sa huli ay nagbahagi si Hernandez kung paano ang pagsisimula ng isang business.

