Alex Eala May Malaking Kita sa Abu Dhabi Run
Naging natagumpay ang Abu Dhabi run ni Alex Eala, dahil mag-uuwi siya ng milyon-milyong piso sa prestihiyosong tournament.
Umabot si Alex Eala sa quarterfinals ng singles sa WTA 500 Abu Dhabi Open. Bukod dito, nakapasok din siya sa semifinals ng doubles event.
Dahil sa mga panalong ito, kumita siya ng kabuuang $45,859 o humigit-kumulang P2.6 million.
Alex Eala Kumita sa Singles at Doubles
Sa singles, nakuha ni Eala ang mas malaking bahagi ng prize money. Kumita pa rin siya ng $35,000 matapos matalo sa Russian Ekaterina Alexandrova. Nagtapos ang laban sa iskor na 3-6, 3-6 sa quarterfinal round.
Gayunpaman, ipinakita ni Eala ang tapang laban sa No. 2 seed player. Samantala, sa doubles naman, nag-uwi siya ng $10,859 o P635,429. Kabahagi niya rito ang Indonesian partner na si Janice Tjen.
Natalo ang kanilang tambalan sa semifinals laban sa Slovakia at Great Britain duo.
Tuloy ang Laban sa Qatar at Dubai
Samantala, hindi pa tapos ang Middle East journey ni Eala ngayong buwan. Kasunod nito ang dalawang WTA 1000 tournaments. Ito ay ang Qatar Open sa Doha at Dubai Tennis Championships.
Parehong inaasahang sasalihan ng top-ranked women players. Sa Qatar Open, sigurado na si Eala ng $18,300 sa Round of 64. Haharapin niya ang Czech teen na si Tereza Valentova.

