AMANG NANGDIDISIPLINA NA HINDI NAKATAPOS NG PAG-AARAL, EMOSYUNAL NANG MAKAPAGPAGRADUATE NG ANAK
Bumuhos ang luha ng isang ama, tanda ng kanyang pagmamalaki at pagmamahal sa kanyang anak na nakapagtapos ng pag-aaral sa Kolehiyo nang isuot sa kanya nito ang kanyang toga.
Sa video post ni Keanne Roeh Isurda, ilang ulit maririnig ang sinabi ng kanyang ama na hindi nito naranasan ang makapagsuot ng itim na toga dahil hindi ito nakagraduate.
Sagot naman ng kanyang anak na si Keanne, wala namang kaso kung hindi ito nakapagtapos.
Ayon sa caption sa video ni Keanne, nang ipasuot niya sa kanyang tatay ang toga at ang medalya ng pagiging Magna Cum Laude na isa sa ipinangako niya dito, ay excited ito at hiniling na picturan siya.
Umiiyak ang ama ni Keanne habang yakap-yakap at idinuduyan ang kanyang graduation picture at nagpasalamat sa kanya na sa kabila ng pagdidisiplina nito sa kanya ay nagawa nitong makatapos ng pag-aaral.
Kasabay nito ang habilin ng ama na anuman ang marating nito sa buhay ay huwag nitong kalilimutan ang kanyang dalawang kapatid.
Naantig ang puso ng maraming netizen sa video at sa caption nito sa Facebook na “Hindi nakagraduate pero nakagpagpagraduate”, kung saan umani na ng mahigit 32 thousand views habang aabot naman sa 2.2 million views sa Tiktok.

