AMBULANSYANG PAMBARANGAY MULA SA KAPITOLYO, KUMPLETO SA KAGAMITAN

Isang bagong ambulansya ang ipinagkaloob ng kapitolyo sa Barangay San Joseph, Sta. Rosa, Nueva Ecija bilang tugon sa kahilingan ni Kapitan Danilo Manabat.

Ayon kay Kapitan Manabat, humiling sila ng ambulansya sa pamamagitan ng isang resolusyon upang matiyak ang mas mabilis na pagtugon sa mga emergency ng kanilang barangay. Agad naman itong inaprubahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno nina Governor Aurelio at Vice Governor Anthony Umali at naibigay ang ambulansya ng barangay, na kumpleto na sa kagamitan gaya ng oxygen, stretcher.

Malaking ginhawa kasi umano ito para sa mga ka-barangay nila na kailangang magpa-check-up dahil hindi na nila kailangang maghanap pa ng ibang masasakyan.

Kaya lubos silang nagpapasalamat sa pamahalaang panlalawigan sa mabilisang aksyon sa kanilang kahilingan.