Nagpahayag ng pasasalamat si President Ferdinand Marcos Jr. sa naging kontribusyon ng United States sa post-pandemic recovery ng Pilipinas.

Personal na nagpasalamat si Pangulong Marcos kay U.S. President Joe Biden sa naganap na Philippine-US Business Forum sa Washington DC.

Inihayag ni Pangulong Marcos, na ang US ay ang fourth largest source ng foreign direct investments (FDIs) ng Pilipinas, at isa rin sa pinakamalaking export destination ng bansa.

Ito ay matapos tumaas ng 28% ang FDI net inflows ng Pilipinas na umabot sa US$1 billion noong nakaraang taon.

Mas mataas kumpara sa US$820 million net inflows na naitala noong 2022.

Kinilala rin umano ang Pilipinas bilang malaking bahagi ng US semiconductor at IC design supply chain.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang mabilis na post-pandemic economic recovery ng Pilipinas, at pagiging isa sa fastest growing economy sa buong Asia na mayroong 5.6% annual GDP growth.

Samantala, sa naganap na unang Presidential Trade and Investment Mission (PTIM) ng US sa Pilipinas noong Marso, inihayag ni Commerce Secretary Gina Raimondo ang planong pamumuhunan ng mga American companies na mag-invest sa bansa.

Inaasahan na sa halagang hindi bababa sa US$1 billion na ilalaan sa mga proyekto ay makakatulong ito sa educational at career opportunities ng mga Pilipino.

Ako po si Philip ‘Dobol P’ Piccio para sa Balitang Unang Sigaw!