Aliw na aliw ang mga netizen sa videong inupload ni Juan Carlos Ferrero sa kanyang tiktok account kung saan makikitang hinihila ng inang aso ang kanyang anak na tila ayaw daw umuwi ng kanilang bahay.

Nakuhanan ang video sa Villamor Air Base sa Pasay City habang kagat-kagat ng nanay na aso ang kamay ng kaniyang anak habang naglalakad.

Maririnig sa video na may nagsabing siguro ay anak niya ang tutang tila kinikibin nito sa braso gamit ang kanyang bibig upang sumunod sa kanya sa paglalakad.

Nagmumukha ngang kinakaladkad na ng nanay na aso ang kanyang tuta base sa pahinto-hintong paglalakad nila sa tuwing mabibitiwan nito ang isang kamay ng tuta.

Sa tuwing mahihinto naman ay muli nanamang kakagatin ng inang aso ang kamay ng tuta para magpatuloy sila sa paglalakad.

Hindi naman daw sigurado ang uploader kung may nagmamay-ari sa dalawang aso o mga gala ang mga ito na madalas niyang makita sa Villamor Air Base bago makuhanan ang nakatutuwang eksenang ito.

Komento ng mga netizen, tila daw tagpo ito ng mag-ina na kapag ayaw umuwi ng kanilang mga anak ay kinakailangan pang sunduin.

Wala na rin namang nagawa ang tuta kundi ang sumunod sa kanyang inang aso.

Umabot na sa 6.5M views, mahigit 587k reactions at mahigit 37k shares ang naturang video.