BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Nahaharap sa kasong Violation of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang anim na suspek na inaresto ng kapulisan sa inilunsad na Anti-illegal Drug Buy-bust operation noong April 7, 2024.
Umabot umano sa Php35,224.00 ang halaga ng illegal drugs na nakuha sa mga ito.
Base sa report na isinumite kay Nueva Ecija Police Provincial Director Richard Caballero, ang operation sa Barangay Castellano, San Leonardo ay nagresulta sa pagkakakumpiska mula sa limang drug traders na mga taga Gapan City ng more or less 4.88 grams ng suspected shabu with estimated value of Php33,184.00.
Habang sa Barangay Apo Esquivel, Jaen naman nadakip ang isa pang lalaking tulak umano ng droga na nakuhanan ng more or less 0.30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php2,040.00.

