Palupitan sa paggawa ng mga anti-kopya headgear para sa kanilang pagsusulit ang mga estudyante ng Batangas State University-Lobo Campus kung saan ipinamalas nila ang kanilang pagiging malikhain.
Aakalain mong nasa costume party o event ng cosplay ang mga estudyanteng ito dahil sa kanilang effort sa paggawa ng anti-cheating headgear na ang mga disenyo ay may kinalaman din sa kanilang kurso.
Mayroong gumawa ng disenyo ng bahaykubo, magsasaka, chainsaw, gulay, at mga hayop kaya naman ang kanilang guro na si Sir Angelo Ebora ay magbibigay daw ng bonus points sa kanila.
Naghatid naman ng pampagoodvibes at paghanga sa mga netizens ang mga headgear na ito.
Ang paandar na ito ni Sir ay para daw makabawas sa pressure sa eksaminasyon ng mga estudyante at maituro sa kanila ang pagiging patas at hindi mandaya na maaari nilang madala kapag nakapagtapos na sila ng pag-aaral.
Aabot na sa mahigit 2 million ang views ng video sa tiktok, mahigit 200k reactions at higit 17k shares.

