Disapproved sa Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan sa pamumuno ni Vice Mayor Vergara ang mababang goodwill rates na iprinisenta ng City Treasurer para sa dalawang bagong pamilihan ng Cabanatuan City.
Sa inulit na Public Hearing noong March 18-20, 2024, komento ni Vergara, parang pinamimigay nalang daw ang mga pwesto sa mga pamilihan kung ganoon lamang kababa ang sisingiling goodwill.
Dapat aniya ay mas taasan pa ang singil sa mga vendors lalong-lalo na sa mga mayayamang bidders.
Target kasi ng City na makakuha ng pwesto sa dalawang palengke ang mga fast food chains, banks, at boutiques.
Ayon sa City Treasurer ng Cabanatuan, ang dalawang pamilihan ay mayroong 1,533 stalls at ang goodwill rates ng mga ito ay nasa 693,000 hanggang 54,033,000 pesos na mayroong 30 years long term lease, habang mayroon nang 38.8% ng mga sure bidders.
Sa hearing ay binanggit din na ang mga vendors ay kailangan munang magbayad ng 50 percent bilang down payment sa goodwill na maaaring bayaran lamang sa loob ng tatlong araw at ang 50 percent naman ay sa araw ng pag-okupa.
Lumalabas ani Treasurer na ang mga tindero at tindera ay required na magbayad ng cash, pwera pa ang babayarang operating expenses na 500 to 800 pesos kada buwan.
Pero hindi umano pwedeng habaan ang pagbabayad ng goodwill dahil malaki ang ginastos ng lungsod sa pagpapatayo ng mga palengke.
Maaari raw maapektuhan ang social services ng City Government kapag hinintay pa ang 30 years para makumpleto ang bayad sa goodwill.
hindi na priority ang mga dating vendors sa mabibigyan ng pwesto sa dalawang bagong pamilihan at sila ay required na sumali sa public bidding.
Kaya ang mga ordinaryong tindero at mayayaman ay magkakaroon ng kompetisyon sa pagkuha ng magandang pwesto.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng dalawang pamilihan sa October or November, 2024.

