BISE PRESIDENTE: Nilinaw ni Senador Bam Aquino na wala siyang planong tumakbo bilang bise presidente sa 2028.
Ito ay kasunod ng lumabas na mga haka-haka matapos ihayag ni Vice President Sara Duterte ang planong pagtakbo sa pagkapangulo.
Mariing itinanggi ni Aquino ang mga ulat tungkol sa umano’y Duterte-Aquino tandem.
Sa isang maikling pahayag sa Facebook, sinabi niyang walang katotohanan ang mga balitang may binubuong tambalan.
Nahalal si Aquino sa Senado noong 2025 at kasalukuyang nasa anim na taong termino.
Kwalipikado rin siyang tumakbo muli matapos ang kanyang panunungkulan.
Umingay ang isyu matapos ang kanyang pahayag tungkol sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
Sinabi ni Aquino na ideyal na sa Pilipinas idaos ang paglilitis.
Gayunman, iginiit niyang iginagalang niya ang proseso ng International Criminal Court.
Binigyang-diin din niya na hindi dapat unahin ang pamumulitika.
Ayon sa senador, mas mahalagang tugunan ang krisis sa edukasyon at ekonomiya.
Binanggit din niya ang problema sa presyo ng bilihin at korapsyon.
Aniya, darating ang tamang panahon para pag-usapan ang halalan sa 2028.
Samantala, patuloy niyang isinusulong ang mga panukalang batas para sa edukasyon at transparency sa pamahalaan.

