BABALA! SENSITIBONG BALITA:
ARMADONG CONSTRUCTION WORKER, ISINUMBONG SA MGA PULIS SA CABIAO
Nahaharap sa kasong violation of R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang isang umano’y armadong construction worker sa bayan ng Cabiao.
Edad 32-yer-old ang suspek na hindi pinangalanan, at residente ng Brgy. Sta Rita ng naturang bayan.
Base sa report ng Nueva Ecija Provincial Police Office, 1:50 PM noong June 9, 2024 nang may mag-tip na concerned citizen na may baril ang nasabing suspek.
Kaagad namang rumesponde ang Cabiao Police Station at dinakip ang construction worker sa bahay nito kung saan nakuhanan umano ito ng improvised paltik, tatlong bala ng Cal 5.56 at apat na bala ng Cal .9mm.

