BABALA! SENSITIBONG BALITA:
ARMADONG SUSPEK, MABILIS NA NADAKIP NG MGA PULIS SA CABIAO DAHIL SA TAWAG SA 911
Nahaharap sa kasong violation of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) and Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) ang isang armadong lalaki na ini-report ng isang concerned citizen sa Cabiao Police Station.
Base sa ulat ng NEPPO (Nueva Ecija Provincial Police Office), June 30, 2025 nang matanggap ng istasyon ang tip na may isang kahina-hinalang lalaki ang nakitang nagsilip ng baril sa kanyang bag sa irrigation road sa Barangay San Roque, Cabiao.
Sa loob umano ng five (5) minutes ay mabilis na rumesponde ang pulis sa lugar kung saan namataan ang suspek na nagtangkang tumakas sakay ng kulay blue Yamaha RS100 motorcycle na walang plate number kaya nagkaroon ng tugisan.
Nang mahuli ang suspek ay nakuha mula sa kanyang sling bang ang one (1) homemade caliber .38 revolver.

