Nagbigay ng aliw sa mga netizens ang videong kuha ng Novo Ecijanang si Jeizelle Grace sa isang asong nag-joyride sa tuktok ng isang tricycle sa Cabanatuan City.
Marami sa mga netizen ang natuwa dahil tila daw sanay na sanay na itong bumiyahe at mukhang daily routine na daw nila ito kasama ng nagmamay-ari dito.
May nagsabi ding magaling bumalanse si doggy dahil kahit na tumatakbo ang sasakyan ay hindi man lamang ito nadulas o natinag sa kanyang posisyon.
Sa kabila naman ng kaaliwan na hatid ng video ay marami din ang nag-alala sa kaligtasan ng aso dahil baka bigla daw itong mahulog na maaaring ikapahamak pa nito.
Patuloy naman ang pagtaas ng views ng naturang video sa tiktok na ngayon ay nasa mahigit 90K na, mahigit 20K reactions at mahigit 2k shares.
Samantala, isang aso din ang nagviral sa tiktok habang matiyagang nakabantay sa kabaong ng namayapa nitong amo.
Makikita sa video na kahit antok na antok na ang aso ay nananatili pa rin itong nakatuntong sa upuan sa tabi ng kabaong na umantig sa puso ng mga netizen.
Umabot naman sa mahigit 27M ang views ng video at humigit kumulang 6M ang reactions.
Sabi nga ng mga netizens, mga aso ang pinakaloyal na nilikha ng Diyos sa mundo.

