unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

ASONG TINAGA DAHIL SA PAGKUHA NG KARNE SA PAMILIHAN SA CALOOCAN, NASAWI; NETIZENS, NANAWAGAN NG HUSTISYA

Posted by philpiccio | Jan 21, 2026 | 0

ASONG TINAGA DAHIL SA PAGKUHA NG KARNE SA PAMILIHAN SA CALOOCAN, NASAWI; NETIZENS, NANAWAGAN NG HUSTISYA

BABALA: SENSTIBONG BALITA: ASO TINAGA

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang isang viral na social media post matapos kumalat ang mga larawan ng isang asong umano’y tinaga at pinalo sa ulo dahil kumuha ito ng karne ng manok at baboy sa isang palengke sa Malolos Street, Barangay 154, Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon sa post ng nagbahagi ng insidente, kalaunan ay kinumpirmang nasawi ang aso dahil sa matinding pinsalang tinamo nito, dahil dito, umapaw ang galit, lungkot, at panawagan ng hustisya mula sa publiko, kung saan marami ang nagbahagi ng post sa kani-kanilang social media accounts.

Mariing iginiit ng mga netizen na ang aso ay hindi magnanakaw kundi isang gutom na nilalang na kumilos ayon sa instinct at survival.

Ayon sa kanila, hindi alam ng mga hayop ang batas ng tao o ang konsepto ng kasalanan, ang alam lamang nila ay kumain upang mabuhay, para sa marami, ang insidente ay hindi isang aksidente kundi isang malinaw na anyo ng kalupitan laban sa isang inosenteng hayop.

Samantala, base sa post ng Caloocan City Veterinary Department, nagsagawa sila ng fact-finding investigation noong January 14, 2026 kaugnay ng umano’y insidente ng animal cruelty na naganap noong January 7, 2026.

Batay sa ulat at sa CCTV footage bandang alas-6:22 ng umaga, makikitang dumaan ang aso sa isang meat store at kumuha ng plastic bag na may lamang karne mula sa isang dilaw na crate.

ASONG TINAGA DAHIL SA PAGKUHA NG KARNE SA PAMILIHAN SA CALOOCAN, NASAWI; NETIZENS, NANAWAGAN NG HUSTISYA

Makalipas ang ilang sandali, isang suspek ang nakitang umatake sa aso gamit ang patalim, na nagresulta sa malubhang sugat sa kaliwang unahang paa ng hayop.

Base pa sa kanilang imbestigasyon, sa karagdagang CCTV footage, kahit sugatan na, muling kumuha ng karne ang aso mula sa isang motorsiklo bandang alas-6:30 ng umaga, subalit hindi ito sinaktan ng may-ari ng motorsiklo.

Bandang alas-6:37 ng umaga, muling dumaan ang aso sa parehong meat store at muling nakitaan ng agresibong kilos ang suspek na tila naghahanda na namang umatake.

Agad na rumesponde ang mga pulis ng Police Station 5, Bagong Barrio matapos i-report ng isang concerned citizen ang insidente.

Dinala ang aso sa PETLINK EDSA para sa agarang gamutan, subalit kalaunan ay binawian din ito ng buhay at batay sa death certificate na inilabas ng beterinaryo, ang sanhi ng kamatayan ay severe hypoxia and hypovolemia leading to cardiac arrest.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at beripikasyon sa pagkakakilanlan ng suspek, at nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang impormasyong makatutulong sa pag-usad ng kaso.

Mariing kinondena ng City Veterinary Department ang insidente at iginiit na ito ay paglabag sa Animal Welfare Act, binigyang-diin na ang karahasan laban sa mga hayop ay hindi kailanman katanggap-tanggap at mananatiling may pananagutan ang sinumang lalabag sa batas.

Share:

PreviousJapan Snap Election: Kaya Bang Gawing Kapangyarihan ang Popularidad ni Takaichi?
NextSTA. ANA, PAMPANGA LGU, NAKAKATIPID NG P700K KADA BUWAN DAHIL SA MAAYOS NA SISTEMA SA BASURA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

SANG-AYON KA BA SA PAGPAPARETOKE O BODY MODIFICATION?

SANG-AYON KA BA SA PAGPAPARETOKE O BODY MODIFICATION?

June 2, 2023

LIBRENG TAHO, HANDOG NG TAHO VENDOR SA KANYANG KAARAWAN

LIBRENG TAHO, HANDOG NG TAHO VENDOR SA KANYANG KAARAWAN

October 19, 2025

ACT-Teachers Partylist: ‘History is not pagmamarites’

ACT-Teachers Partylist: ‘History is not pagmamarites’

July 13, 2022

FULL INTERVIEW WITH PCSO-NUEVA ECIJA TUNGKOL SA MEDICAL ACCESS PROGRAM

FULL INTERVIEW WITH PCSO-NUEVA ECIJA TUNGKOL SA MEDICAL ACCESS PROGRAM

July 28, 2022

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .