Itinuturing ang bigas bilang pangunahing pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino, kaya naman labis ang pasasalamat ng mga Novo Ecijano sa ibinabahaging libreng bigas ng Kapitolyo dahil malaki ang kanilang natitipid sa kabila ng mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado.

Kaugnay nito, ay muling umarangkada sa lungsod ng Cabanatuan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Anthony Umali upang magpamahagi ng sako-sakong bigas sa ilalim pa rin ng Rice Distribution Program ng Kapitolyo.

Kabilang sa mga nabahaginan na ng sako-sakong bigas ang mga mamamayan sa mga Barangay ng Nabao, Fatima, Caudillo, at Ma. Theresa.

Base sa Bantay Presyo ng Department of Agriculture, sa kasalukuyan ay nasa P51 hanggang P56 per kilo ang halaga ng imported well-milled rice, habang nasa P40 hanggang P55 naman ang local well-milled rice, kaya naman malaking tipid umano ang libreng bigas.

Ayon sa mga nabiyayaan, imbis na pambili ng bigas ay maitatabi nila upang ipambili ng ibang bilihin at pambayad sa mga bayarin.