Patuloy ang pamamahagi ng ayudang bigas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Anthony Umali.

Sinimulan ngayong taon ang programa sa mga barangay ng Cabanatuan City.

Kabilang sa mga nabahaginan ng sako-sakong bigas ang mga mamamayan sa mga Barangay ng MS Garcia, Melojavilla, at Barangay Zulueta.

Ang Rice Distribution Program ng Kapitolyo ay sinimulan noong magkaroon ng pandemya.

Labis naman ang pasasalamat ng mga nabigyan ng bigas dahil malaking bawas umano ito sa kanilang mga gastusin.