BABAE, NAGPAKASAL SA ASO PARA MAKAIWAS SA SUMPA

Isang 18-anyos na babae sa India ang nagpakasal sa isang ligaw na aso bilang bahagi ng isang ritwal ng tribo na idinisenyo upang maiwasan ang isang masamang sumpa.

Si Mangli Munda, mula sa isang malayong nayon sa silangang estado ng India ng Jharkhand, ay ikinasal sa aso sa isang marangyang seremonya.

Para kay Mangli, bagamat hindi nakapag-aral, hindi raw siya nasisiyahang magpakasal sa isang aso.

Ito ay utos lamang aniya ng kanyang mga magulang dahil sa payo ng isang guro o banal na tao dahil mayroon umanong sumpa sa kanilang anak na si Mangli.

Kaya iginiit ang pagpapakasal sa isang aso upang makakatulong ito sa pagbabago ng kanyang kapalaran.

Ang kasal ay dali-daling inayos ng mga matatanda sa nayon dahil naniniwala sila na kapag nagpakasal sa isang aso ay maipapasa sa aso ang kanyang masamang sumpa o spell, at mamumuhay ng maligaya.

Ayon sa ama ng dalaga, ipinakasal niya ang kanyang anak sa isang aso para narin mawala ang sumpa, dahil mayroon na rin siyang nakita na mga nagpakasal sa aso na wala namang naging problema pagkatapos ng kasal.

At sa mismong araw ng kasal ay dumating ang aso na ang pangalan ay Sheru na nakasakay sa isang kotse na may sariling driver.

Sinaksihan ng buong bayan ang ritual ng kasal. At ayon naman sa nanay ng bride, kailangan nilang gumastos sa ganitong kasal dahil ito lamang ang paraan para mawala ang malas at masiguro ang kabutihan ng nayon na kailangan sundin ang kaugaliaan at ritual.

Dahil sa matagumpay ang kasal, umaasa ang buong nayon na maalis na ang sumpa. At dahil sa ang kasal na ito ay hindi legal ay Malaya na umanong pumili ng isang tunay na lalaki si Mangli.

Umaasa umano si Mangli na ikakasal siya sa isang lalaki dahil lahat naman umano ng mga babae ay pinapangarap na ikasal sa isang prinsipe balang araw.

At tungkol naman kay Sheru, ang aso na walang kamalay malay na ikinasal ay patuloy lamang naglalaro at magiging bahagi ng pamilya ng kanyang pinakasalan.