BABAE SA AFRICA, NANGANAK NG 9 NA SANGGOL
Normal sa mga alaga natin tulad ng aso at pusa na manganak ng maramihan, Pero paano na lang kung ang tao ay manganak kagaya nila?
Isang babaeng taga Mali West Africa na si Halima Cissé 27-anyos matapos matagumpay na mailuwal ang siyam niyang anak!
Isinilang nito ang nonuplets na babies – 5 na babae at 4 na lalake.
Noong nagdadalang tao pa lamang umano si Halima ay sinabi ng mga doktor niya na pito lamang ang magiging baby niya subalit nang nagpakonsulta sila sa espesiyalista sa Morocco ay natuklasang may dalawa pang sanggol.
Ayon sa kanyang asawa na si Abdelkader Arby, Biyaya ito mula kay Allah.
Ang siyam na babies ay ipinanganak na premature sa pamamagitan ng Caesarean Section na dinala niya ng 30 weeks o halos 6 na buwan, may timbang naman na 0.5 – 1 kg ang bawat isa nang lumabas ang mga ito.
Pagkaraang manganak ay nanatili pa si Halima at ang kanyang mga babies sa isang espesyal na clinic na kung saan minonitor siya ng mga doktor upang masiguro na walang anumang magiging komplikasyon.
Nagpapasalamat umano ang mag asawa sa medical corps ng Mali at sa Akdital group sa pagsama sa kanilang pananatili sa Morocco at kanilang bansa na tumulong sa mga gastos sa kanilang panganganak.
Ang dating may hawak ng titulong ito ay si Nadya Suleman mula USA na kilala rin bilang ‘octomom’ na nagluwal ng walong babies noong 2009.

