BABAE SA BRAZIL NAGPAKASAL SA ISANG LALAKING MANIKA; NAGKAANAK PA!
Isang babae sa Rio de Janeiro ang pinag-uusapan sa buong Brazil matapos ma-in love at pakasalan ang isang ragdoll! At ito pa pagkatapos ikasal ay nagkaanak pa? Paanong nangyare?
Ang nakakamanghang istorya ng pag-ibig na ito ay nagsimula nang nmakilala ng 37-anyos na si Meirivone Rocha Morales ang kanyang ‘‘soulmate’’ na manika matapos magreklamo sa kanyang ina na matagal na siyang single at walang makasayaw sa mga party.
Naawa ang ina kay Meirivone kaya gumawa ito ng lalaking rag doll mula sa mga retaso ng tela at pinangalanang “Marcelo”. Ibinigay niya si Marcelo kay Meirivone. Agad namang na-love at first sight si Meirivone sa manikang si Marcelo.
Si Meirivone ay isa ring vlogger at ipinakikita niya sa kanyang mga videos na may 600K followers sa Tiktok, ang pagmamahalan nila ni Marcelo. Matapos ang ilang buwan na pag-iibigan, nagpakasal sina Meirivone at Marcelo. Dinaluhan ng mahigit 250 katao ang kanilang wedding ceremony.
Ito aniya ang kanyang pinapangarap na lalaking kanyang pakakasalan dahil ang manikang ito ay hindi nakikipagtalo at hindi rin nakikipag away sa kanya.
Hanggang inanunsyo ni Meirivone na buntis siya at si Marcelo ang ama?
Isinilang ni Meirivone ang anak nila ni Marcelo. Napanood ng 200 online viewers ang panganganak dahil naka-livestream ito. Pinangalanan niyang Marcelino ang kanilang anak na isa ring manika. Ipinanganak niya si Marcelino sa kanilang tahanan at nag-labor siya sa loob lamang ng 35 minutes..
Sinabi pa nito na nakumpleto na ang kanyang buhay dahil nagkaroon na sila ng anak ,
Pero dumating umano ang pagkakataon na pagkalipas ng kanilang anibersaryo ay bigla siyang nanlumo nang may isang kaibigan daw siya na nagsabi sa kanya na nakita niya umano ang kanyang asawang manika na pumasok sa isang motel na may kasamang ibang babae.
Ngunit dahil sa sobrang pagmamahal niya raw kay Marcelo ay hindi siya naniwala dito. Kahit may nakita daw itong text sa CP na meron ngang ibang babae si Marcelo.
Binalewala niya raw ito dahil dati nang nangaliwa ang kanyang asawang manika nang minsan ay may nakita umano itong pink na T-back ng babae. Tinanong niya raw si Marcelo kung kanino ang T-back pero hindi umano ito kumibo at agad natulog sa kanilang sala.
Naisipan pa raw nitong palayasin ang kanyang asawa pero hindi niya magawa alang-alang sa kanilang anak.
Maraming netizens ang nagsasabi na ginagawa ito ni Meirivone para magpapansin at makagawa ng kakaibang online content.
Mariin namang itinanggi ni Meirivone ang mga paratang at pinaninindigan niya na totoo ang pagmamahal niya kay Marcelo at hindi ito palabas lamang.
Marami ang nagtataka bakit nagkakaganito si Meirivone. Ayon sa National Institute of Health si Meirivone ay nakakaranas ng isang kondisyon na tinatawag na objectophilia o romantic o sexual attraction sa isang bagay.
Ang Objectophiles gaya nito ay nadedevelop sa isang mas malalim na connection sa mga specific na bagay kagaya ng attractive sa mga tulay, sasakyan, train at chandelier.
Sa kakaibang pangyayareng ito ay naging masaya ang pagsasama nila Marcelo at Meirivone, dahil nagagawa nila ang ilang mga normal na bagay gaya ng isang tunay na mag asawa.

