Bago magkampay ng mga baso o bote para sa masayang tagayan at kwentuhan, isa munang katanungan, iinumin mo pa rin ba ang bagong beer na gawa ng isang kumpanya sa Germany kapag inyong nalaman na gawa pala ito sa tubig-kanal?
Bunsod ng kakulangan sa tubig sa naturang bansa dulot ng climate change ay naisip ng isang kumpanya ng beer na i-recycle ang tubig-kanal upang gamiting ingredient sa paggawa ng beer.
Bago pa man kayo tuluyang mandiri ay nilinaw naman ng kumpanya na malinis at ligtas itong inumin.
Hindi basta lang inihalo ang tubig-kanal sa beer kundi dumaan muna daw sa apat na matinding purification stages ang mga ito upang masigurong malinis bago gamitin o ihalo sa iba pang sangkap sa paggawa ng beer.
Ang beer na ito ay hindi pa mabibili sa mercado, ngunit ayon sa mga nakatikim na nito ay nagsabing masarap at wala itong pinagkaiba sa mga normal na beer.
Pangunahing layunin nito ay ipakita ang mga posibilidad ng makabagong paraan ng paglilinis ng maduduming tubig upang magamit muli at isa ding paraan upang labanan ang climate change o pagbabago ng klima.

