BAGONG E-LIBRARY, IPINAGKALOOB SA BONGABON NATIONAL HIGH SCHOOL NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Bilang pagsabay sa modernong panahon at teknolohiya, at pagsulong ng makabagong edukasyon ay inilunsad ng Bongabon National High School ang e-library learning portal katuwang ang Provincial Government ng Nueva Ecija sa pangunguna nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali.

Layon ng pagkakaroon ng ganitong makabagong E-`library ang maitaas ang kalidad ng edukasyon, at modernisadong pag-aaral ng mga batang Novo Ecijano.

Mahalaga ang pagkakaroon ng e- library para matugunan nakakulangan ng mga pisikal na library. Ang E-library ay naglalaman ng mga updated resources gaya ng e-books, general references, journals research papers at iba pang mga kailangan sa research na makatutulong sa mga mag-aaral at mga guro maging sa kanilang classroom at sa kanilang tahanan.

Nangunguna ang Bongabon National High School sa learning portal kasama ang digital learning resources sa curriculum.

Kaya ilan sa mga mag-aaral ang inilalaban sa mga Regional at National Competition.

Ayon kay Principal IV ng Bongabon National High School Eladio R. Santiago, bagaman nasa malayo sa kabihasnan ang BNHS ay competitive ang kanilang mga mag-aaral.

Dati umano ay kailangan pang dumayo ng kanilang mga estudyante sa iba’t ibang unibersidad para lamang makapag research para sa mga competition.

Sa pamamagitan ng nasabing proyekto mabibigyan ang mga mag-aaral ng BNHS ng access sa mga online learning resources, mabibigyan ng interactive at manipulative learning materials na tutugon sa mga makabagong teknolohiya at inobasyon na ibibigay ng “E-Library Project”.

Alinsunod ito sa Deped Order 6s. 1998 na mga Patakaran at Programa para sa Pagpapaunlad ng Aklatan ng Paaralan.

Maliban umano sa E-library ay pinagkalooban din ang Bongabon National High School ng Covered Pathway at isang Bagong Multipurpose Facilities na magagamit ng mga mag-aaral na kanilang ipinagpapaslamat sa Pamalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.