BAGONG MUKHA NG SAN JOSE CITY GENERAL HOSPITAL, NAISAKATUPARAN SA TULONG NG PROVINCIAL CAPITOL
Nagawa na ang bagong mukha ng San Jose City General Hospital sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali.
Isa sa mga prayoridad ng gobernador ang makapagbigay ng dekalidad na serbisyong medikal sa kanyang mga kababayan partikukar na sa mga mamamayan na nasa ikalawang distrito.
Ayon pa kay Patria Paz Catacutan, OIC Administrative Officer ng San Jose City General Hospital, makikitang mas moderno at kaaya-aya na ang ospital, na nagbibigay ng mas komportableng karanasan sa mga pasyente at kanilang mga pamilya.
Taong 2022 nang maisakatuparan ang proposal ng nasabing proyekto. Noong 2023 ay nagawan na ng plano at sinimulan an ang konstruksiyon.
Ang bagong disenyo ay gawa ni Architect Paez samantalang si Engr. Jay-ar Padilla naman ang tumayong project engineer sa proyektong ito.
Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga empleyado ng San Jose City General Hospital sa kapitolyo lalo na kay Gov. Oyie sa kanilang dedikasyon at suporta sa pagpapabuti ng pasilidad.

